Thursday, June 29, 2006

“Late na naman si Cyrus, ‘yon talaga!”sabi ni Hazel.

“Hazel, may assignment ka sa Physics?”tanong ni Giles.

“Kopya na naman ‘to!’sabi naman ni Lance.

“Oo na, magaling ka kasi sa solving!”sabi ni Giles.

Kinuha ni Lance ang notebook nito.

“Kopyahin mo na, mangongopya ka kay Hazel eh, nangopya din sa akin ‘yon!”sabi ni Lance.

“Ano ‘yang narinig ko?”sabi ni Hazel na abala sa pakikipagdaldalan sa mga kaklase nila.

“Wala, sabi ko sexy ka!”sabi ni Lance.

Dumating na si Cyrus. Diretso ito sa upuan ng barkada.

“Pakopya nga ng Physics.’sabi nito.

“Tumabi ka na sa akin, komopya ka na,”sabi ni Giles, “galing ito sa bestfriend mo.”

Tumabi si Cyrus kay Giles. Nasa tabi naman nito sina Tracy at Erika na nagkukuwentuhan.

“Sige na, Tracy, sumali ka na sa Ms. Intrams,”sabi ni Erika, “panalong-panalo ka dun!”

“Sino ba sasali natin sa Mr. Intrams?”tanong ni Tracy.

“Baka daw si Giles.”sagot ni Erika.

Narinig ni Giles ang usapan ng dalawa.

“Ayaw ko nga.”sabi nito.

“Sige na, tuturuan ka namin sa talent mo.”sabi naman ni Cyrus.

“Tignan ko.”sabi ni Giles.

Magkakaibigan sa St. Brent International sila Giles, Lance, Cyrus, Tracy, Erika at Hazel. Mas close sila Giles at Hazel na parehong mahina sa Math. Mahilig silang magtawanan at magkuwentuhan kahit habang nagkaklase kaya laging napapagalitan ng teacher. Sila Erika at Lance naman ay magpinsan. Magbestfriend naman sila Cyrus at Lance. Pagdating sa beauty contest ay si Tracy naman ang pangbato nila.

“Magcelebrate naman tayo, pasado tayo sa exams!’sabi ni Giles minsang pauwi sila.

“Sige, kain tayo sa Max’s.”sabi ni Hazel.

“Ano, gusto niyo ba?”tanong ni Giles.

Naglalakad sila. Nauuna lagi sila Giles at Hazel dahil hindi sila nauubusan ng kuwento. Nasa likod naman nila sila Erika at Tracy at laging huli sila Cyrus at Lance.

“Sige!”sagot ng apat.

Hindi sumagot si Cyrus at napansin iyon ni Lance.

“Kayo na lang, wala akong pera.”sabi nito.

“Problema ba ‘yon, ako na.”sabi ni Lance.

“Huwag na, nakakahiya,”sagot ni Cyrus, “lagi na lang ikaw.”

“Nakakahiya? Batukan kita diyan eh!”sabi ni Lance.

Tumuloy sila sa Max’s.

“Guys, alam niyo ba ‘yong bagong resort sa Alcantara?”tanong ni Giles.

“Oo, maganda dun!’dagdag ni Hazel.

“Bakit, may plano ka bang magbakasyon dun?’tanong ni Erika kay Giles.

“No, I’m planning to have our vacation there. Ayaw niyo ba?”sabi ni Giles.

“September pa lang, Giles, ‘yan na iniisip mo.”sabi ni Cyrus.

“Tagal naman ng order natin.”sabi ni Lance.

Dumating na ang waitress na dala ang order nila.

“Here’s your order, Sir, Ma’am.”sabi nito.

“Anong pangalan mo, Miss?”tanong ni Giles sa waitress.

“Nangloloko ka na naman, Giles,’sabi ni Erika, “sumbong kita kay Jessica.”

Tumahimik si Giles.

“Sige na, behave na po.”sabi nito.

Nilatag na ng waitress ang order nila.

“Wow, sarap ng manok!’sabi ni Giles.

“Nakakataba ‘yan!”sabi ni Erika.

“Gym lang ang katapat niyan!’sabi ni Giles at pinakita nito ang braso niya at pinagyabang.

Kumain na ang magkakaibigan.

“Kilala niyo ba si Dexter? ‘Yong pinsan ni Lance?”

“Oo, bakit, pinsan mo din?”

“Hindi.”sagot ni Erika.

“Pero, di’ba magpinsan kayo ni Lance?”tanong ni Tracy.

“Sa mother’s side kami ni Lance. Si Dexter sa father’s side ni Lance.”sagot ni Erika.

“Bakit si Dexter? “tanong ni Cyrus.

“Nangliligaw sa akin.”sagot ni Erika.

“Pero, di’ba ano ‘yon---“sabi ni Giles na hindi natuloy ang sasabihin dahil kinalabit siya ni Tracy sa likod.

“You like him?’tanong ni Hazel.

“Di ko alam.”sagot ni Erika.

“Erika, pag-isipan mo muna ng ilang beses.”sabi ni Giles.

“CR lang ako.”sabi ni Lance.

“Teka, mag-oorder ako ng para kay Mama.”sabi ni Erika at sumabay na ito kay Lance na tumayo.

Naiwan ang apat.

“Giles, bunganga mo nga.”sabi ni Tracy.

“Sorry.”sabi ni Giles.

“Kahit ikaw, Cyrus.”sabi ni Hazel.

“Hindi ba alam ni Lance na frat at addict si Dexter?”tanong ni Cyrus.

“Siguro.”sagot ni Giles.

“Malamang.”sabi naman ni Tracy.

Minsan sa university.

“Lance, puwedeng humiram ng pera?”tanong ni Cyrus. Nasa library ang dalawa at gumagawa sila ng assignment.

“No problem, pare.”sagot ni Lance.

“Pang tuition ko kasi.” Sabi ni Cyrus.

Kinuha ni Lancesa bulsa niya ang kanyang wallet at naglabas ng pera.

“O, ayan!”sabi nito.

“Salamat, bibigay ko din next week.”

“Teka, may interest ‘yan ha?!”

“Ha?!”

“Hindi, joke lang!”

Sa kanilang magkakaibigan, si Cyrus lang ang medyo salat sa buhay. Patay na ang ama nito. Si Aling Panchita, ang kanyang ina ay tumatanggap ng labada at nagttinda ng balut pag gabi. Si Popoy naman ay nakababatang kapatid ni Cyrus.

Nasa bookstore ang magkakaibigan.

“Tingin tayo ng books, Giles.”yaya ni Hazel.

“Sige, ‘yong horror.”sabi ni Giles.

“Saan kayo pupunta?’tanong ni Tracy sa kanila.

“Sa books section.”sagot ni Hazel.

“Sama ako,”sabi ni Tracy at nagpaalam ito kanila Lance at Erika na abala na nagtitingin sa gift section, “doon muna kami.”

“Okey.”sagot ni Erika.

Habang nagtitingin ng libro ang tatlo.

“Kuya James!”sabi ni Tracy sa katabi niya.

“Tracy, ikaw pala! Kumusta?”sabi ni James na angtitingin din ng libro.

“Kumusta, Kuya?”sabi ni Tracy.

“Engaged na ako!”sagot ni James.

Nakita sila nila Hazel at Giles.

“Who’s the lucky girl?”tanong ni Tracy.

“Kuya James, kumusta?’tanong ni Hazel, “kakasal ka na?’

“Oo.”sagot ni James.

“Malas nung babae, hehe! Joke lang!”biro ni Hazel.

“Sino ‘yong babae, Kuya?”tanong naman ni Giles.

“Papakasalan ko lang naman ang former campus crush, Ms. Intrams 1997, at Ms. St. Brent 1995.”

“Si Ate Carey?’tanong ni Hazel.

“Oo.”sagot ni James.

“Suwerte mo, bro!”sabi ni Giles.

“Kailan ang kasal?’tanong naman ni Tracy.

“Midway between December and January. Bibigay ko na alng sa inyo ang invitation pag meron na.”sagot ni James.

“Sige.”sagot ng tatlo.

Nakita sila nila Lance at Erika.

“Kuya James, kumusta? May narinig akong kasal ha?”sabi ni Erika.

“Oo, kakasal na ako kay Carey.”sagot ni James.

“Suwerte mo, ha!”sabi ni Lance.

“Oo, punta kayong lahat ha?”sabi ni James.

“Sige, mauna na kami.”sabi ni Tracy.

“Kita-kita na lang tayo sa kasal ko.”sabi ni James.

…itutuloy!